Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for researchers · Monday, July 1, 2024 · 724,289,370 Articles · 3+ Million Readers

Gatchalian seeks strengthened sexuality education, social protection for teenage mothers

PHILIPPINES, June 30 - Press Release
June 30, 2024

Gatchalian seeks strengthened sexuality education, social protection for teenage mothers

Following the Commission on Population and Development's (CPD) report that over 22,000 teenagers experienced repeat pregnancies, Senator Win Gatchalian is seeking the strengthened implementation of comprehensive sexuality education (CSE) and the provision of social protection for teenage mothers.

Data from the CPD showed that those who experienced repeat pregnancies are usually aged 13 to 15.

While the COVID-19 pandemic is a factor in the surge of adolescent pregnancies, the CPD cited cultural factors. For instance, a teenage mother and the man who got her pregnant are forced to live together. The CPD flagged the commonly wide age gap between a teenager and the man who got her pregnant, which shows unequal power relations and abuse in the relationship.

For Gatchalian, one of the most important ways to protect girls is to keep them in schools, where they can learn CSE and access child protection programs. He also emphasized the need to give young mothers the chance to be reintegrated into the education system.

"Napagkakaitan ang mga batang ina na magkaroon ng magandang edukasyon at ang paulit-ulit na pagbubuntis ay maaaring senyales ng pang-aabuso. Mahalagang panagutin natin ang mga nang-aabuso sa mga batang kababaihan at tiyaking mabibigyan natin ng pangalawang pagkakataon ang mga batang ina," said Gatchalian, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education.

Gatchalian also called for the enforcement of laws that seek to protect young girls from sexual abuse and violence. One of these is Republic Act No. 11596, which prohibits child marriages or marriages where one or both parties are under the age of 18. The law also protects those aged 18 or above who cannot fully take care of and protect themselves because of physical or mental conditions. Republic Act No. 11596 also prohibits the cohabitation of an adult with a child outside of wedlock.

Republic Act No. 11648, meanwhile, raised the age of sexual consent from 12 to 16.


Pinaigting na sexuality education at social protection para sa mga batang ina isinusulong ni Gatchalian.

Kasunod ng pinakahuling report ng Commission on Population and Development (CPD) na mahigit 22,000 na batang kababaihan ang dumanas ng paulit-ulit na pagbubuntis o repeat pregnancy, iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan sa mas pinaigting na comprehensive sexuality education (CSE) at mga programa ng social protection para sa mga batang ina.

Ayon sa CPD, mga 13 hanggang 15 taong gulang ang naitalang dumanas ng repeat pregnancy.

Bagama't naging dahilan ang pandemya ng COVID-19 sa paglobo ng mga kaso ng maagang pagbubuntis, binigyang diin naman ng CPD ang papel ng kultura sa mga komunidad. Halimbawa, napipilitang magsama sa ilalim ng isang bubong ang isang batang ina at ang nakabuntis sa kanya. Ayon pa sa CPD, maaaring senyales ng pang-aabuso ang malaking pagitan ng edad sa isang batang babae at ng nakabuntis sa kanya.

Para kay Gatchalian, mahalagang panatilihin ang mga batang babae sa mga paaralan, kung saan maaari silang matuto sa ilalim ng CSE at magkaroon ng access sa mga child protection programs. Binigyang diin niya rin na mahalagang mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga batang ina na muling makapasok sa sistema ng edukasyon.

"Napagkakaitan ang mga batang ina na magkaroon ng magandang edukasyon at ang paulit-ulit na pagbubuntis ay maaaring senyales ng pang-aabuso. Mahalagang panagutin natin ang mga nang-aabuso sa mga batang kababaihan at tiyaking mabibigyan natin ng pangalawang pagkakataon ang mga batang ina," ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Nanawagan din si Gatchalian na ipatupad nang mahigpit ang mga batas na layong protektahan ang mga batang babae mula sa pang-aabuso o karahasan. Isa na rito ang Republic Act No. 11596 na nagbabawal sa child marriages, kung saan ang isa o higit pa sa mga ikinasal ay menor de edad. Binibigyan din ng proteksyon ng batas ang mga 18 taong gulang pataas na walang kakayahang alagaan o protektahan ang kanilang mga sarili sa pisikal o mental na kalagayan. Ipinagbabawal din ng naturang batas ang pagsasama ng isang bata at isang nakatatanda na hindi kasal.

Itinaas naman ng Republic Act No. 11648 ang age of sexual consent mula 12 hanggang 16.

Powered by EIN Presswire
Distribution channels:


EIN Presswire does not exercise editorial control over third-party content provided, uploaded, published, or distributed by users of EIN Presswire. We are a distributor, not a publisher, of 3rd party content. Such content may contain the views, opinions, statements, offers, and other material of the respective users, suppliers, participants, or authors.

Submit your press release